Thursday, August 10, 2006

Ang Pancit Palabok, Bow!

Nagluto ako ng Pancit Palabok kanina. Wala pa talaga akong balak magpalabok kasi hindi pa kumpleto ang mga ingredients ko. Hindi ako nakabili ng chicharon. Yong hipon naman na binili ni James nung weekend inulam na namin.:D Wala din lemon or calamansi. Kaya lang yon ang gustong kainin ni James. Sabi nya eh daanin ko na lang sa pagluto. Basta daw bukal sa loob ko na magluto at masaya ako for sure masarap ang kalalabasan. Salamat na lang kay Mama Sita naglasang palabok pa rin (or gutom lang siguro kami ni James:D). I just sauteed garlic, added tinapa flakes and the Mama Sita palabok mix. Then I mixed the bihon I cooked earlier, garnished green onions and eggs, and viola! In fairness masarap talaga sya. :D For 6 servings daw. Dalawa lang kaming kumain. Pero hindi naman kami ganun katakaw kasi hindi naman isang kainan lang eh. Lunch and dinner! Palusot pa ako, eh! Pero kahit napurga na kami ng palabok kanina I still crave for more palabok. Mas masarap siguro kung kumpleto rekados na. Hayy, bigla tuloy akong nagutom :D

2 comments:

Anonymous said...

Waaah! nagutom ako! And it's pst 3am na! hahaha! *drools*

Anonymous said...

best regards, nice info » » »