Sunday, August 27, 2006

been busy lately...

hayy buhay mommy... at 8 months & 20 days :D, ang likot at ang kulit na ng anak ko (at syempre not to mention cute na cute :D). he wants to explore everything. lahat gustong isubo. halos ayaw ng maglagi sa exersaucer. nasisikipan na sa playpen. gusto laging may ginagawa either gumagapang or kung anu ano ang hinahablot. mahilig mamintana. mahirap ng palitan ng diaper ngayon (hindi pa nailalapag eh gusto ng kumawala). pahirapan na kung magmilk (since nagsolid, lagi na lang may tira). madaling magsawa sa mga laruan (yong mga totoong laruan). mas naaappreciate pa yong boxes kung saan galing yon mga toys (usually bigay ng mga in-laws ko). para sa kanya, "laruan" ang mga: remote control, celphone namin ni james(kahit may laruan syang plastic na cp), keyboard (we have a spare for him pero after few days eh inaabot pa rin yong totoong nakakabit na keyboard. wais!), calculator (hindi naman obvious na puro de-pindot ang gusto nya), books (not necessarily na books nya), papel (either isubo or punitin), nadiscover nya lately ang camera (mas gusto na nya ngayong hablutin ang camera kasya ngumiti sa camera), pati vacuum cleaner/cp charger/alarm clock pinadidiskitahan), tuwang-tuwang sa reflection nya sa mirror, laging gustong puntahan at kunin yong mga DVD/CD collection (alam na nyang alisin yong mga nakaharang na unan, wais talaga!). pag nasa kusina kami at busy akong nagluluto, naghuhugas ng pinggan or kumakain, nilalagay ko sya sa highchair or exersaucer or playpen. ito naman ang mga laruan nya: paper towel & tissue rolls, plastic na baso (yong mga gamit namin pangpicnic), measuring plastic cups, empty plastic bottles, empty cartons ng cereal, at kung anu-ano pa just to keep him occupied. kakapagod ang stage na ito. i'm really exhausted at the end of the day. sometimes umaga pa lang pagod na ako. kaya naman lagi kong sinasabayan ang nap nya(2x or 3x a day for 1 hour each nap). ito na lang pahinga ko. pero kahit anong pagod ko i am not complaining naman! nagkukwento lang. hehe! mahirap maging magulang (or maging nanay),pero walang kasing saya naman ang dulot nito. :D bath time is always a bonding moment for the three of us. enjoy syang maligo sa bathtub (in his bath ring). ako ang in-charged sa paligo while james is waiting with the towel. sya na ring bahala sa pagbibihis. at bilang isang magulang walang kasing saya kung ang baby mo ay: marunong ng mag-embrace, magturo ng nose, eyes, and lips (ni mommy and daddy), magclap, mag-align, magba-bye, at palangiti (or in audric's case eh bungisngis. nakakawala ng pagod!) pero syempre hindi maiwasang umiyak (or ngumawa)ang anak mo but i know how to handle this now unlike the first two months na talagang nangangapa ako bilang isang new mother. now i can tolerate more and i can say medyo mahaba na ang pisi ko ngayon. (si james kasi natural ang pagiging pasensiyoso since day 1) :D


then, hayy buhay may asawa... being a stay-at-home-mom&wife,nakakabit na ang househould chores...not to mention na hindi naman talaga uso dito ang magkaroon ng yaya and maid. lately, paghuhugas ng pinggan at pagluluto na lang lang ang nagagawa ko. wala munang linis linis (or say general cleaning). ang paglalaba eh kung talagang kailangan lang (kung malapit ng maubusan ng damit si audric, kung walang underwear ng maisuot si james, hahaha! or kung hindi na pares pares ang mga medyas or kung ang mga natirang medyas eh yong mga luma or butas na, hahaha!) Two weeks ng nagoovertime si james (which is good kasi dagdag income). downside, saglit na lang nya naalagaan si audric kasi pagod nga. Pagod sya, pagod ako kaya apektado ang loving loving. :D embrace embrace na lang. hahaha! hay buhay...lots of things to do: soiled clothes are piling up, have to clean the washroom, kitchen needs general cleaning, clothes in the closet need to be sorted out, etc, etc. i can't wait for my mom's vacation. i mentioned in my previous post that she's visiting us. she's supposed to be here this august. but the entire month of august is fully-booked. september 19 ang flight nya. 23 days to go. sana bukas andito na sya. i desperately need her. :D

lastly, hayy buhay ng magiging businesswoman... we're venturing into business, a home-based franchised business. hopefully we'll start operating before the end of the year. we were planning this wayback february pa. it all started when i searched the net for a small business. after having audric kasi parang ayaw ko ng bumalik sa workforce, 8-5 that is. it's either i work at night or have business (kahit small lang).then i stumbled upon this site. i browsed the site, then par-t-perfect caught my attention. it's really perfect! hindi kalakihang investment (well, compared to other franchised businesses), it's a home-based then it caters children's parties. i inquired via email then the day after the owner phoned me. we started from there. filling up of applicaton form (para din akong nag-apply for work), business plan, franchise agreement, interact with other franchisees, meeting personnaly with the owner, paying of the deposit (part of franchise fee) then sa bank naman for our loan madami ring requirements -- credit history, net worth, business number, gst number (tax), operating license, criminal record, etc etc. but we've been busy especially for the past 2 weeks. we're finalizing everything. list of equipment, final payment of investment, gathering info's for marketing and advertising. :D by mid-september we'll start the actual marketing and advertising. then set-up office, set-up storage area for the equipments (yong dati naming kwarto at my father-in-laws house), then after that i'll fly to vancouver for a training at the main office and observe actual events. tapos we'll have to train party leaders (employees) din. i can't wait for our first event. i'm excited, nervous, & anxious at the same time.

did i say i'm exhausted? really exhausted! nevertheless im happy and contented. goodluck to me! :D

No comments: