Sunday, September 17, 2006

What's New?

...Here in my blogsite, I put a sitemeter and a tagboard. I added some in the links, too! Im planning to bring back the tickers I created. Whatelse?? For the nth time, I changed my blogtitle. Di ba napaka-original ng dating??? hahaha!!! Speaking of my napaka-original na title, abangan ang 3rd season ng Grey's Anatomy. Hopefully matapos ni Hipag yong binili nyang 2nd season DVD bago magHuwebes. Para mahiram ko at mapanood ulit.

...Mga palabas sa TV. Daming bago. Nagseason premier ang fave ko na Ellen two weeks ago. Tapos this week, halos lahat eh bago ang mga palabas: Oprah, Dr. Phil., CSI, etc etc. Buti naman para hindi na puro replay ang napapanood ko.

...Sa business. Nareleased na rin yong loan namin galing sa bangko. Mayroon na rin kaming business permit. We can proceed with the next step. Training, buying of equipment, setting up the office and storage area, at kung anu ano pa. Sana talaga by December may mga events na kami para naman may pumasok ng pera at hindi laging palabas.

...Audric's milestone. Ambilis bilis na nyang magcrawl. Napapasunod na namin papuntang kwarto or washroom. Tipid kami sa buhat. hahaha! Hindi pa sya nakakalakad pero kayang kaya na niyang tumayong mag isa basta may mahawakan gaya sa gilid ng sofa or sa kanyang playpen.

...Our life here in Winnipeg. Patapos na ang summer :( Official na mag-uumpisa ang Autumn/Fall sa Sabado. Medyo malamig na ang simoy ng hangin. Parang Baguio. Umulan kahapon at umaambon ambon ngayon. Nagfog pa lastweek. Hindi kami masyadong nakalabas this summer like pumuntang magbeach or mag ikot ikot sa park pero ok lang naman (Mas maappreciate ko siguro next year pag mahigit isang taon na si Audric). But Im looking forward this Fall. Well aside from fave season ko ito, darating Mom ko sa Martes. Makakasama namin sya until December or kung magustuhan nya pwede namin irenew temporary resident visa nya and she can stay for another 6 months. I can't wait! Matitikman ko na ulit luto nya. hahaha! Unahin ba ang pagkain! For sure maninibago sya sa buhay dito pero sana mag-enjoy sya. Nakaplano na nga mga balak naming gawin at gustong puntahan.

Ano pa nga ba? Wala na akong ibang maisip. Next time ulit! Be safe everyone :)