Thursday, February 22, 2007

A Proud Auntie...

Yup that's me. Nadagdagan ang aming pamilya - Roland James (RJ) was born 3 days ago, February 19. Kuya na rin si Audric :D. Makiki-ading (Ilocano term for younger sibling) muna sya kay RJ. Welcome to the Siazon-Cruz family, RJ!!! :D

Apat na ang mga pamangkin ko: Mga anak ni Kuya Jimmy (Jaime, Jr) - si Christine Bernadette or Tin-tin (16), si Jaime, III or Em (14), si Cherry Anne or Che-an (7). Tapos anak ni Kuya Nico - si RJ 3 days old, hehehe! Medyo nag-eemote Mommy ko last night kasi hindi na daw nakita ng Daddy ko ang dalawang bagong apo nya - si AJ (Audric James) & RJ. Kaya hayon kwentuhan to the max na naman kami ni Mommy - syempre si Daddy ang topic. For sure matutuwa yon lalo pa at lahat ng apo nya na lalaki eh sinunod ang mga pangalan sa kanya. We miss you Dad!!! We will always will...

hayy, gusto ko ring mag-emote. Gusto kong magbakasyon ng 'Pinas... Gusto kong magkasama kaming tatlong magkakapatid at ang aming pamilya. hayyy, *sige konting emote pa*

Tuesday, February 13, 2007

Nagpaparamdam lang...

Andito pa ako... Miss ko na ang magblog at magbloghop - wala lang talagang time. Napasaglit lang para bumati ng Maligayang Araw ng mga Puso. At syanga pala salamat sa lahat ng mga bumati sa akin - tumanda na naman ako ng isang taon... Anyway, kasalukuyan kong inaayos itong aking blogsite para hindi namang magmukhang inabandona... Nakalipat na ako sa new version ng blogger (sa wakas!) pero hindi ko napi-figure out paano iretrieve ang aking lumang template kung saan naroroon ang aking mga links... Mukhang back to zero ako nito... Pero ok lang maaayos ko din ito...Sige hanggang dito muna.. Naway nasa mabuting kalagayan ang lahat... :)